Huwebes, Enero 10, 2013

THE GUN QUESTION

United States and the Philippines, malayong-malayo ang diperensya sa isa't-isa. Ang Amerika ay isa sa pinakama-uunlad na bansa, habang ang Pilipinas ay isa naman sa papa-unlad na bansa. Maging sa isyu ng demokrasya, malayong-malayo pa ang Pilipinas, sa Amerika.
Ngunit nagkakalapit nga ang dalawang bansa na isang karagatan ang layo sa isa't-isa sa isang isyu. Ito nga ang isyu ng  gun ownership and control, dahil sa mga sunod-sunod na pangyayari na may kinalaman sa baril.
Nitong July 20, 2012 lamang, ay isang James Holmes ang namaril sa isang sinehan sa Colorado, kung saan palabas noon ang pelikulang "The Dark Knight Rises". 12 ang patay, at 58 ang sugatan, o injured. Nahuli nga siya at kasalukuyang nakakulong na.
Nitong December 14, 2012 naman, ay naganap ang isang massacre sa Newtown, Connecticut. Walang awang pinatay ang 20 estudyante at anim na mga matatanda na kinabibilangan ng mga guro at magulang sa Sandy Hook Elementary School. Si Adam Lanza, ang nagsagawa ng pagpatay, ay natagpuang patay katabi ng kaniyang baril, na pawang matataas ang kalibre.
Nito namang New Year, sa Pilipinas, ay tinamaan ng ligaw na bala si Stephanie Nicole Ella, isang inosenteng bata. Di nga nagtagal ay pumanaw ito. Ang salarin ay hindi pa nahuhuli.
At nitong January 4, 2013, isang massacre ang nangyari sa brgy Tabon 1, Kawit Cavite. Pito ang patay, kabilang ang dalawang bata at isang buntis. Napatay naman si Ronald Bae, ang nagsagawa ng pagpatay, ng mga awtoridad. Si John Paul Lopez, ang sinasabing nagre-reload sa killer ay sumuko, at sinampahan ng patong-patong na kaso.
Bagaman may parehong isyu, ay magkaiba ang approach ng dalawang lider ng dalawang bansang ito. Malakas nga ang public opinion sa America na magkaroon ng total gun ban, maliban sa mga uniformed personnels gaya ng pulis at militar, at tila si Obama ay ganoon din ang pananaw. Malakas din naman ang panawagan sa Pilipinas, ngunit dahil ang Pangulong Aquino ay isang gun enthusiast, ay tutol siya dito. Nabulalas niya nga ito matapos ang isang insidente ng shoot-out diumano sa Atimonan, Quezon, kung saan siya ay nagpahayag sa duda na shoot-out ito, at tanungin tungkol sa posibilidad ng total gun ban.
Kung ako naman ang tatanungin. Hindi maaaring mawala ang baril. Pero sa isyu ng kung sino lamang ang hahawak, ay mahirap sagutin. Madali pa ngang sagutin kung alin ang tunay na relihiyon sa mundong ibabaw, kesa sa naunang tanong.
Bakit ko nasabi? Natutuwa din kasi ako sa idea na walang baril kundi sa mga awtoridad lamang. Ngunit sa klase ng awtoridad sa Pilipinas, eh mapapaisip ka. At saka paano kung isang gaya nila James Holmes ang maupo, at maging tyrant. At magpatay ng tao. Then being gunless society will be non-sense, because extreme tyranny, will always lead to revolution, maiging-maigi kung peaceful. At pagkatapos ng revolution, laging magulo, matagal pang dumadating ang kaayusan.
Hindi naman imposible ang sinabi ko. Ang Libya, nagkaroon ng Gaddafi, ang Syria, ay may Assad, ang Russia may Joseph Stalin, pawang mga lider na loko-loko at lumaban sa kanilang tao.
Magulo nga ang topic na ito, ako man naguluhan din.

11 komento:

  1. I lived for 11 years in a country where it's illegal to even own a bullet. Violence was much less, compared with Manila, and weapons-related deaths and injuries was far less as well. It's not a bad thing to ban guns; it's all about removing the opportunity for gun usage.

    TumugonBurahin
  2. The issue is so complicated, I don't trust the authority especially the policemen. For me, I won't go for gun ban.

    TumugonBurahin
  3. Sadyang mahirap sagutin ang kung sino ang karapat-dapat na maghawak ng baril. Kung ako ang tatanungin, sa tingin ko dapat di bigyan ng pahintulot ang lahat na magkaroon ng baril except the policemen, soldiers, guards and those who really need it for their jobs. For private individuals who just want to feel more secured for themselves and families, they should not be given a license. If so found out that one owns a gun illegally, the hand should be cut off! Ugh.

    TumugonBurahin
  4. I don't vote for gun ban, the police and the military in the Philippines are a joke.

    TumugonBurahin
  5. For me, it's a NO for a total gun ban. We, citizens of the Philippines, surely feel the need to protect ourselves, too. Especially when the authorities who are sworn to protect us seem DANGEROUS as well. I don't wish to complicate the topic anymore but then, *sigh* just my opinion.

    TumugonBurahin
  6. At the risk of being called apathetic, I really don't know where to stand between this gun ban issue. I have not really weighed the pros and cons yet.

    TumugonBurahin
  7. I am for gun ban. Restrict the usage of gun and you have better opportunity to manage violence.

    TumugonBurahin
  8. Go for gun ban ako. Honestly, I already thought about like what happened to Stephanie Nicole's case. What if kung mangyari yun sa pamilya ko?

    TumugonBurahin
  9. We really have to revisit laws on guns usage and control. Plus all social media about guns and toy guns and movies, tv shows and all!!! Too much negativity going on!!!

    TumugonBurahin
  10. I just fired 5 rounds earlier today at PNP, with balloons as targets, and we were taught how to use a gun properly in 5 minutes. It was scary, even if I did hit 4/5 targets.

    The government should go over the law on gun usage and ownership and people should be educated.

    TumugonBurahin
  11. sabi nga ng iba... hindi daw baril ang pumapatay kundi tao... ang problema kasi sa tao, tumatapang kapag nakahawak na ng baril... ang problema sa gun ban ay mga responsableng tao lamang ang tatalima dito... yung mga iresponsable ay hindi ito papansinin... at ang mga ito ang nakakatakot...

    TumugonBurahin