Linggo, Enero 6, 2013

WORTHY OF RESPECT

Ito ngang post na ito ay transcript ng Itanong Mo Kay Soriano Biblia ang Sasagot, na sumasagot sa tanong sa topic about respect of faith. It is a response to those comments, respect of belief, kaniya-kaniyang paniniwala lang. Now you may know why we attack wrong beliefs like that of the atheist, and that you may renew your vision about faith and belief. Here is the video and its transcript.
Nagtatanong: Ang itatanong ko po, kung bakit po ba sa panahong ito ay dumarami ang relihiyon, at sa pagdami po nitong, nagkakaroon ng parang away-away po?

Bro. Eli: Hindi parang away-away yun, talagang away yun.

Nagtatanong: Opo

Bro. Eli: Meron nga sa relihiyon, pumapatay pa eh! May mga relihiyon pumapatay pa dahil sa away na yan eh! Kami lang naman yata ang ano eh, nag-iingat na pumatay at gumawa ng masama sa kapwa eh, yung ibang relihiyon mamamatay tao eh, ang mga miyembro, pumapatay talaga! Na, Nakasulat na yan sa kasaysayan ng bansang Pilipinas, meron talagang pumapatay, eh ang turo kasi nung ministro, pag ipinagtanggol mo yung sugo, kahit makamatay ka ligtas ka pa rin eh! Di ba ganun ang turo ng mga ministro nila, kaya, meron talagang away, ngayon ano ang tanong mo kapatid?

Nagtatanong: Ayun po, Di po ba mas maganda kung magkaroon na lang po ng kaniya-kaniyang respeto sa paniniwala?

Bro. Eli: Respeto!

Nagtatanong: Opo

Bro. Eli: Ay masamang respetuhin yung mali! Masama yun! Alam mo kasi, Tignan ninyo mga kababayan ha. Maganda ang layunin mo kapatid, nakikita ko yung puso mo, maganda, malinis ano, pero, mag-iinject ako sa iyo ng diwa galing sa Dios, hindi galing sa akin, ako rin ganoon eh. Nung bata akong maliit, ayaw ko ng gulo, nung ako'y tumanda ayaw ko ng away. Hindi ako nakikipag-away, o hindi nakikipag-usap sa mga umpok-umpok. Dahil yung mga pinag-uusapang kayabangan, ayaw ko nun eh. Mas gusto ko pang magbasa, mag-aral kaysa makipagkwentuhan doon sa mga kababata ko. Yun ang naranasan kong pagkabata eh. Pero ang isang ayoko yung, may kokontrahin ako, o may aawawyin ako, o kaya eh di ko sasang-ayunan, ayaw ko nun. Pero nung matuto ako nung Biblia, naiba pagkakilala ko sa buhay. Pag walang kokontra sa mali, lahat ng tao, maniniwala sa mali! Tandaan niyo yan. Ngayon, ano batayan ko, na masama na yung mali, eh hindi mo kokontrahin, bakit ganoon? Bakit ko sinasabi yon? Pag mali dapat punahin, pag mali dapat sawayin, pag mali dapat pigilan. Kasi sabi ng Dios eh, 3:10 ng Tito, pakinggan mo.

Tagabasa: TITO 3:10 Ang taong may maling pananampalataya pagkatapos nang una at ikalawang pagsaway ay itakuwil mo; 

Bro. Eli: Ipinapasaway ba yung mali?

Sis. Luz: Pinapasaway.

Bro. Eli: Sabi nga ng Dios, pag mali ang pananampalataya ng tao, sinaway mo nang una, sinaway mo na ikalawa, itakwil mo na, bayaan mo na siya, gago siya eh. Ayaw niya ng tama, gusto niya mali eh, pero ipinapasaway ng Dios, sawayin mo, papaano sasawayin? 1:13 ng Tito

Tagabasa: TITO 1:13 Ang patotoong ito ay tunay. Dahil dito’y sawayin mong may kabagsikan sila, upang mangagpakagaling sa pananampalataya, 

Bro. Eli: Kita mo. Ito ba haka-haka ko kapatid? Gusto ng Dios ito. Pag mali ang pananampalataya, sawayin mong may kabagsikan sila! Siguro nang sabihin ng Dios yan, di naman nya sinabi na (gentle way)sawayin mong may kabagsikan sila. Sabi, sawayin mong may kabagsikan sila, upang magpakagaling sa pananampalataya.

Gusto mong gumaling ang tao? Pag mali sawayin mo. Ngayon kung gusto niyang pasaway, o ayaw niyang pasaway, bahala siya, meron talagang pasaway. Pero tungkulin mo kung mangangaral ka na sumaway, basa 2 Timoteo 4:2

Sis. Luz: II TIMOTEO 4:2 Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, sumaway ka,...

Bro. Eli: Oh kita mo, utos ng Dios sa mangangaral yan, sumawata ka, sumaway ka, Oh eh pag sumasaway ba mali? Eh bakit hindi na lang natin igalang ang pananampalataya ng isa't isa? Eh kung mali bakit ko igagalang? Ibig mo sabihin, ang paniniwala mo si Cristo tao ha, tapos sasabihin ko, ginagalang ko yan Amen, ganoon ba? Pag sinabi mo si Cristo tao, sisigaw ako, hindi tao si Cristo, kundi nagkatawang tao. Yun ang sasabihin ko. Mag-uumpisa na ang labanan, bakit? Eh gusto ng Dios na ganoon eh, para ang tao mailigtas sa mali, ganoon yun. Eh kung ako makikipagkaibigan lang, eh di hindi na ko magsasalita. Pero hindi ako naparito para makipagkaibigan kahit kanino. Kahit magalit kayong lahat sa akin, sasabihin ko yung ipinasasabi ng aking Dios na kinikilalang nasa langit. Kailangan yun kapatid. Kailangan po yun.

Nagtatanong: Salamat po, Bro Eli.

Bro. Eli: Salamat din po, sana naintidihan nyo punto ko.

16 (na) komento:

  1. Bro Eli has a point, we should not be blind on what is really happening. For me respect for other religion is a must to avoid conflicts.

    TumugonBurahin
  2. I get his point. But I think, respect is respect. There is no absolute truth and that is the reason why we have different beliefs. That different beliefs lead to WAR and by respecting each others belief is the answer to resolve that war.

    TumugonBurahin
  3. Napakaraming relihiyon sa mundo kaya kailangan lang magkaroon ng respeto ang bawat isa sa kanya-kanyang paniniwala tungkol sa pinaniniwalaang tunay na relihiyon para ng sa gayon ay magkaroon ng kapayapaan ang mundo.

    TumugonBurahin
  4. Mahalaga ang respeto sa paniniwala ng bawat isa at higit sa lahat bigyan natin sila ng pagkakataon ipahayag ang kanilang paniniwala.

    TumugonBurahin
  5. I always agree on what Bro. Eli says. Not unless it is written and is rightfully right? It earns a badge of respect

    Hindi lang yan tungkol sa respeto. Kundi sa respetong naka-ayon sa nakasulat

    TumugonBurahin
  6. i used to watch him before back in Philippines because glt n glt sa sming mga iglesia ni cristo. Plg xang ngmumura I dont mind at all but to tell his teaching the words of God he must stop and do something about saying bad words. Because even kids Will think that it is a word of God as well. xx

    TumugonBurahin
  7. Respect is the most important thing in this world. People should learn to respect other person's orientation in life, beliefs and etc :)

    TumugonBurahin
  8. Iba iba ang paniniwala ng tao when it comes to religion and you pointed that out on your post already. If you want to respect it or not, nasa sa iyo na yun. Ang sa akin lang, for as long na wala namang ginagawang masama ang tao sa kapwa niya tao, wala akong problema doon.

    TumugonBurahin
  9. Nabasa ko po ang buong sanaysay. Tama rin naman na magpuna at magsaway sa pagkakamali na tao. Bahala na din sila kung ayaw nila sumunod. Ang sa akin lang, malaking bagay ang respeto. Iba-iba man ang relihiyon na bawat isa, mas makakabuting irespeto natin ang kaibahan ng mga tao sa kanilang kaniya-kanyang paniniwala. Mahirap ng manghusga dahil sa iba't-ibang paniniwala. Yan lang naman ang opinyon ko.

    TumugonBurahin
  10. Para sa akin, isa sa aking mga panuntunan pagdating sa Relihiyon ay ang iwasan ikumpara it sa iba pang Relihiyon. May punto naman ang nasabi ni Bro. Eli sa kanyang paliwanag.

    TumugonBurahin
  11. I agree sometimes with Bro. Eli but sometimes I don't. I must admit though that he has a point in this. A big point for that matter.

    TumugonBurahin
  12. He has a point. But personally, I believe that we are all entitled to our own opinion so as to the religion that we chose to follow.

    TumugonBurahin