Isang araw nga ay ibinalita ng GMA 7 ang unang episode ng Tonight Show Starring Jimmy Fallon. Ngunit ang ibinalita lang ay napakaliit na detalye sa kabila ng napakalaki nitong kwentong ito. Ito ay marahil dahil hindi ito masyadong mahalaga sa mamamayang Filipino. Pero para sa akin, na fan ng late night comedy, at isang nakaka appreciate nito, ito ay mahalaga sa akin. History maker nga ika nila. Pero bago natin talakayin kung bakit ito history maker. Balikan natin ang ilang history na nagawa na ng show na ito
Ang Tonight Show nga ay nagpasimula noong 1954 sa New York. Itong Show na ito ay may pito na naging hosts. Mula kay Steve Allen, Jack Paar, Johnny Carson, Jay Leno, Conan O Brien, at ngayon nga ay si Jimmy Fallon. Ngunit nag-umpisang maging makasaysayan ang nasabing palabas ng maupo dito bilang hosts si Johnny Carson. Ika pa nga ni David Letterman, Hindi magiging Tonight Show ang Tonight Show kung hindi dahil kay Johnny Carson.
Si Johnny Carson rin ang may pinakamahabang termino bilang host ng show na ito, mula 1962 hanggang 1992. Pinasikat niya nga ang mga comedy bits na Carnac, Parody ng mga malalaking news events at marami pang iba.
Naging controversial naman ito ng malapit nang mag retire si Johnny Carson. Pinagpipilian noon sa pagitan ni David Letterman, na host na ng kasunod na show ng Tonight Show, na tinatawag na Late Night with David Letterman, at si Jay Leno na permanent guest host tuwing Lunes ng gabi. Pinili nga ng NBC, ang network kung saan umeere ang show na ito, si Jay Leno bilang kapalit ni Johnny Carson. Marami nga ang naniniwala na unfair ang decision kay David Letterman na host na ng kasunod na show ni Johnny Carson sa loob ng sampung taon, at may pag-iibig rin naman na maghost ng show na iiwanan ni Johnny Carson. Narito nga ang interview ni Johnny Carson kay David Letterman noong 1991.
Magkagayon man sabi nga nila, move on move on din pag may time. Iniwan nga ni David Letterman ang kaniyang show na Late Night noong 1993 upang magkaroon naman ng sariling show na tinatawag na Late Show with David Letterman, na hanggang ngayon ay umeere pa, na naging katapat ng Tonight Show na ang host na ay si Jay Leno. Tinalo nga ng Late Show ang Tonight Show sa loob ng dalawang taon, hanggang sa mangyari ang interview ni Jay Leno kay Hugh Grant. Mula daw noon ay hindi na natalo ng Late Show ang Tonight Show sa ratings na tumagal hanggang 2009. Pinalitan naman si David Letterman sa kaniyang show na Late Night ni Conan O'Brien kung saan ang kasunod na kontrobersiya ay magmumula.
June 2009 nang magsimula ang Tonight Show with Conan O'Brien, January 2010 naman ito natapos. Kung si Johnny Carson ang may pinakamahabang termino si Conan naman ang may pinaka maiksi. Nagsimula nga ang lahat ng i-announce na si Conan O'Brien ay papalit na kay Jay Leno bilang hosts ng Tonight Show noong 2004. Inaalok daw kasi si Conan ng ibang network na bibigyan rin siya ng show na kaparehong oras ng Tonight Show, na siyang pinapangarap ni Conan. Si Conan nga noon ay host na ng Late Night sa loob ng 13 taon na. Ayaw nga ng NBC na mawala si Conan, na nagbibigay sa kanilang network ng mataas na ratings sa kaniyang timeslot. Sa parehong dahilan ayaw din nilang mawala si Jay Leno. Kaya nga ipinangako kay Conan na mapapasakaniya ang Tonight Show pagkalipas ng limang taon, yun nga ay ang 2009, at si Jay Leno ay binigyan ng isang 10pm show na pinangalanang Jay Leno Show.
Ngunit ang inaasahan na tagumpay ng NBC sa ratings ay nauwi sa kapalpakan. Bagsak ang ratings ng Jay Leno Show, na hindi maiiwasan at domino effect daw, bagsak din ang ratings ng Tonight Show ni Conan. Nababahala nga ang mga affiliates ng NBC, Ibig nilang ibalik sa 11:35 si Jay Leno, at matutulak naman si Conan sa 12:05. Ngunit hindi pumayag si Conan sa deal na ito. Dahil hindi na daw Tonight Show ang Tonight Show kung ito ay nasa 12:05 na, dahil ito ay next day na. Heto ang ilang paliwanag sa nangyari sa pagitan ni Conan at Jay.
Matapos umalis si Conan, bilang host ay ibinalik si Jay bilang host ng Tonight Show, na isa namang kasaysayan dahil siya lang ang host ng Tonight Show na may dalawang termino. Si Conan naman ay lumipat sa TBS, isang cable station. Kung saan nagkaroon siya ng sariling show na may pangalang CONAN. .Bilang ganti nga ay nag joke si Conan ng isang joke sa kaniyang show na patama sa nooy nalalapit na paghahand-over ng Tonight Show. Sabi niya: The Olympics start airing tonight on NBC. That's right, NBC has the Olympics. It's a big deal.
NBC will finally get to show somebody who is OK with passing the torch. I allowed myself one, but it was a good one.
Ang mga pangyayari ngang ito ng nakaraan ang siyang naging unang laman ng joke ng unang episode ng Tonight Show Starring Jimmy Fallon. Sabi niya: I'm Jimmy Fallon and I'll be your host, for now, nalalaman siguro ang nangyari kay Conan noon. Isa pang joke niya ay: Of course I wouldn't be here tonight if it weren't for the previous Tonight Show Host, I wanna say thank you to Steve Allen, Jack Paar, Johnny Carson, Jay Leno, Conan O'Brien, and Jay Leno, bilang si Jay Leno lang ang naging host na may dalawang termino.
Bakit nga makasaysayan ang Tonight Show ni Jimmy Fallon? Ito nga ay dahil muling magbabalik ang show sa New York sa loob ng 40 taon, mula nga ng ilipat ito noon ni Johnny Carson sa Hollywood, at nanatiling doon sa termino kapwa ni Conan at Jay. Isa pang kasaysayan ay ang pag ge guest kay Joan Rivers. Si Joan Rivers nga ay dating tinatawag permanent guest host ng Tonight Show. ito nga nag host tuwing Lunes, kapag wala si Johnny Carson. Na ban nga si Joan Rivers ng magkaroon siya ng sariling show na katapat ng Tonight Show sa FOX Network noong 1986. Ipinagpatuloy nga ni Jay Leno ang ban kay Joan Rivers na magpakita sa show. Si Conan naman siguro sa ikli ng kaniyang termino ay hindi na nagkaroon ng pagkakataon mai guest si Rivers. Ngunit ngayon na si Fallon na ang host ay nai guest kaagad sa unang episode si Rivers. Ito nga ay yung $100 bet na bit ni Jimmy Fallon, kung saan sinusumbatan niya ang isa niyang kaibigan na nakipagpustahan sa kaniya na bibigyan siya ng $100 kung maging host siya ng Tonight Show. Narito nga ang kabuoan ng bit:
At dahil din sa paglipat ni Jimmy Fallon mula Late Night to Tonight Show, ang landscape nga kung tatlong network lang ang pagbabatayan ng 11:30 ay Jimmy, Jimmy, Dave(ibig sabihin nga ang Jimmy Fallon, Jimmy Kimmel, at David Letterman.) Gumawa nga ng report dito ang batikang newscaster na si Brian Williams. Ngunit tila hindi naman nagustuhan ni Arsenio Hall, ang kakulangan ng report. Ito nga ang kanyang pahayag:
Si Arsenio Hall nga ay isa ring Late Night Talk Show host, na nakatapat rin si Johnny Carson, at isa sa naging pinakamahigpit na kalaban pagdating sa ratings. Na offend nga siya sa kakulangan ng report, na tila baga hindi pag respeto sa kaniya. Humantong nga ito sa pagsosorry naman ni Brian Williams sa ere sa kaniyang programa.
Ngayon nga ay nasa pangalawang linggo na si Jimmy Fallon, at kung ang mga bagay hindi tumakbo ng maganda ay it will make another history. A third tenure for Jay Leno. Just kidding. But its possible, very possible indeed.