Napabalita nga kamakailan na mayroon umanong maliit na di pagkakaunawaan sila Former President Erap, at si Vice President Jejomar Binay. Nais kasing magpatayo ng isang palengke sa Maynila, ni ngayon ay Mayor Erap, sa lupang ang nagma may ari ay ang corporation na si Vice Pres. Binay naman ang namumuno.
Ngunit sinabi naman ni Vice President Binay, na nagkabati na raw sila ni Former President. Mabuti na lang at nagkabati sila. Ano nga ang implikasyon kung sakaling hindi sila nagkabati? At bakit kasali sila Mar Roxas at Dating Pangulong Corazon Aquino sa litrato.
Si Mar Roxas nga ang naging pinakamahigpit na kalaban ni Jejomar Binay sa pagkabise-Presidente noong 2010. Lumamang nga lang daang libo si Jejomar Binay noon kay Mar Roxas. At tila sila pa rin ang magiging magkatunggali sa susunod na halalan sa pagka Pangulo naman sa 2016.
Bagamat maraming lumilitaw na pangalan. Si Mayor Rodrigo Duterte ang pinaka matunog na pangalan ngayon, sa lahat ng possible Presidentiables. Pero ayaw rin naman ni Duterte na tumakbo, dahil magulo daw ang posisyong ito. Lumitaw din naman ang pangalang Panfilo Lacson, nang italaga siya na Rehabilitaion Czar ng Yolanda hit areas. Ngunit wala pa ring significanteng malaking nangyayaring pagbabago sa kalagayan ng mga biktima ng bagyong Yolanda. Bagkus ay may mga kontrobersiya pang lumabas, gaya na lamang ng overprice na bunk houses, na wala namang kinalaman ang Rehabilitation Czar doon. Nandiyan din ang pangalang Bongbong Marcos, ngunit ngayon ang pangalan niya ay nadadawit na rin sa PDAF scam. Kaya ngayon ay balik tayo sa uno, Binay VS. Roxas round 2.
Ngayon ano naman ang kinalaman dito ni Dating Pangulong Cory Aquino, actually wala, patay na siya ng mangyari, ang halalan. Idinikit nga ni Binay ang pangalan niya sa dating Pangulo, upang makasakay sa tinatawag na Cory Magic. Si Senator Chiz naman ay ikinampanya ang tambalang Noy-Bi(Noynoy-Binay). And it suits Binay well, cause he wins the Vice Presidential race.
Ngayon magbalik tayo sa ting tanong, ano ang implikasyon kung sakaling hindi nagkabati at nagkahiwalay ng landas si Mayor Erap, at VP Binay. Balikan din natin ang aking pagkabanggit sa Cory Magic sa taas. So nakuha niyo na ba? Explain ko, hindi nanalo si Binay dahil sa pangalang Binay. Ito ay dahil sa kaugnayan niya sa mga Aquino. Ngayon kung walang suporta si Erap kay Binay, sa susunod na halalan, baka humirap pa ang laban para sa kaniya. Hindi ko naman sinasabi na mananalo si Roxas which I think is impossible. Bagamat maaga pa para magsalita, at gaya rin ng sinasabi ng iba, BILOG ANG BOLA.
Napakahalaga nga ng alyansa ni Binay kay Erap, kung ako kay Binay, siya ang magpakababa at pagbigyan niya si Erap. Nothing to lose kahit saang anggulo tignan si Erap. Sino ang sasama sa imahe ng taga Maynila, Hindi si Erap. Implikasyong Politikal, hindi rin si Erap ang nangangailangan, kundi siya pa ang makapagbibigay. Buti na lang at nagkaayos sila. Kaya nga ang title nito: BINAY KAMUNTIK NA.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento