Sabado, Nobyembre 8, 2014

YOLANDA/HAIYAN A YEAR AFTER

Isang taon nga ang lumipas nang tumama ang pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan. Ito nga si Yolanda, o mas kilala sa kaniyang international name na Haiyan. Nang mag landfall nga ito, ito ay may bilis na 315 km/h. Nagdulot nga ito ng malalaking storm surge na nagpadapa sa maraming siyudad na dinaanan nito
Marami ngang binawing buhay ang bagyong ito, na naging dahilan pa ng away sa pagitan ng isang pulis, at ng DILG Secretary Mar Roxas. Nagbigay nga ang pulis ng kaniyang estima na mahigit 10,000 na ang namatay. Ngunit kinontra ito ng Secretary. Ang huling official na bilang ngayon, ang mga patay ay umabot na sa 6,340. Bagamat nitong nakaraan lang, ay napabalita na may nakukuha pa ring bangkay ng mga namatay.
Magkagayon pa man maraming bansang tumulong. Pinaka-una nga sa lahat ay ang Amerika. Ang pagtulong din nga kaagad ng Amerika ay pinagdudahan ng mga conspiracy theorist. Hindi daw kaya act of immediate apology ang gesture na kanilang pinakita. Duda kasi ng ilan na ang Yolanda, ay bunga ng isang secret weapon ng Amerika, na ang intended patamaan ng Amerika ngunit Pilipinas an nahagip.
Malaking isyu nga ang tulong para sa pangyayaring ito Pinuna nga ang China ng international community dahil sa lahat ng bansa, at bilang isa sa pinakamayaman, sila nga nag may pinakamaliit na tulong, na mahigit lamang $ 100,000.00 . Isa nga sa pumuna ay ang political satirist sa US na si Stephen Colbert
Isa pa nga sa pinuna ay ang Iglesia ni Cristo. Ito nga ay sa kabila ng kanilang, maperwisyong kaysa makatulong na mga charity events, na ginagawa sa Metro Manila, at sa iba ibang bahagi ng bansa. Noong kasagsagan ng bagyo ay tumanggi sila sa mga evacuees na sumilong sa kanilang kapilya at sinuportahan pa ng malulupit na comments, mula sa diumano'y mga members nila.
Ngunit ang pinakamatunog pa rin sa lahat maging hanggang ngayon, ay ang salitang binitawan ni Mar Roxas kay Mayor Alfred Romualdez na: You have to remember, we have to be very careful because you are a Romualdez and the President is an Aquino. Nabuhay nga muli ang isyu na yan, dahil dumating ang anibersaryo ng Yolanda. At si PNoy ay nasa ibang lugar, at hindi sa Tacloban. Oo at nasa lugar din siya na nasalanta. Pero mas kailangan siya ng Tacloban, siguro kaysa ng iba. Iniiwasan niya ba ang Tacloban, dahil Romualdez ang nakaupo, may kaugnayan sa Marcos. PNoy, Presidente ka rin ng Tacloban, be sensitive naman.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento