Mayroon nga akong kwento, patungkol sa sa tatlong persona, Si Mar, si Korina at Ruby. Si Ruby nga ay isang malakas na bagyo, kapatid niya si Yolanda, at nagpasya siya na dumalaw sa ating bansa Pilipinas para mag-island hopping
Ngunit may isang nag-comment na ang pangalan ay Korina Sanchez, na lumihis na lang ang bagyong ito, at mapunta sa Japan ang buong bagyo. Naiintindihan ko naman siya dahil hindi madali na tamaan ng bagyo. Pero para hilingin mo na mapabuti ang ilan at mapasama ang ilan, eh hindi maganda. Kaya nga maraming netizen ang nagalit sa kaniya. At mayroo din namang kumampi
Hindi nga ito ang first time niya na mapaso sa mga pahayag niya, sa panahong mabagyo. Noong Yolanda, ay pinuna niya ang iginagalang na international journalist na si Anderson Cooper, na hindi daw nito alam ang kaniyang sinasabi. Ito nga ay dahil sa pinupuna naman ni Anderson Cooper ang pamahalaan, dahil sa mabagal na relief operations sa Tacloban. Ito nga ay sa kabila na nandoon mismo sa lugar si Anderson Cooper, at si Korina ay wala. Marami ring netizen ang kumampi kay Anderson Cooper, at nang bash naman kay Korina.
And this man, Mar. Who is a man like Jejomar Binay, wants and loves to be President. Dahil sa pagka-epal, hindi naman niya kailangang sumakay sa motor, ay sumakay, tuloy natumba, at ang kapansin-pansin ay walang helmet. Ang sabi naman ng palasyo, ay magfocus na lang sa ginagawa kesa sa pagkakamali. May punto, pero kung ayaw mong mapuna, huwag kang magpasikat. Bakit nakunan ng media etong pangyayaring to. To be fair ang isang dahilan, ay ang media ay talagang naghahanap ng balita, at nakita si Mar. At ang isang dahilan naman, eh inimbitahan sila, at yun nadapa siya. Advice ko kay Mr. Mar, dont be so epal, it won't win you the presidency. You dont have to ride that motorcycle.
And to Korina Sanchez. Try to get a leave of absence whenever a super typhoon comes. Because you are prone in uttering stupid words.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento