First let us define traffic.
noun
1.
the movement of vehicles, ships, persons, etc., in an area, along a street, through an air lane, over a water route, etc.
2.
the vehicles, persons, etc., moving in an area, along a street, etc.
Nag rally nga ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa harap ng DOJ, matapos magsampa ng reklamo na illegal detention ang dating publisher ng Pasugo na si Isaias Samson. Sinisigaw nga nila na huwag pakialaman ng DOJ ang internal na problema ng Iglesia.
At gaya ng sa marami nilang mga pagtitipon pag lumalabas sila ng kanilang kapilya. Maraming nagrereklamo at naiinis sa kanilang ginagawa ngayon. Isa kasi sa mahahalagang gusali na nasa Padre Faura ay ang Philippine General Hospital na nahaharangan, kung hindi man ay napapabagal ang paghahatid ng mga pasyente.
At mula nga sa Padre Faura, ay pinasyahan pa na lumipat sa Edsa Shaw. Hindi ko alam kung hilig ba talaga ng grupong ito na mang-traffic nang ibang mga tao. Alam naman natin ang kalagayan ng EDSA. Kaka-sorry lang ng Pangulo dahil sa lumalalang problema ng traffic sa Maynila, na nakakaapekto na sa ekonomiya. Tapos dadagdag pa sila.
Pero hindi lang yan ang pagkakataon na bina-block ng samahang iyan ang flow ng traffic. Naalala niyo ba ang Grand Evangelical Mission nila noong February 2012. Nagsagawa sila ng malawakang pamamhayag daw sa buong bansa. Nagtraffic din noon. At isa ako sa naipit noon sa may parte ng Davao. Sa Davao na hindi ganoon katindi pa ang traffic nang panahong iyon. Pero dahil sa walang disiplina nila sa pagpaparking, at paggamit ng malaking mga bus. Nagka-traffic pa rin. Ano pa kaya sa Manila?
At huwag na tayong lumayo pa masyado. Nito lang nakaraang closing ng centenial nila, Hindi ba't nagtraffic din sa NLEX? Ilang lane ang sinakop nila. Wala bang parking sa Ciudad de Victoria? At hindi lang yan. Maraming iba pa. Nung Guiness Walk nila. Pag medical mission nila. At dahil nga sa mga lumalalabas na isyu patungkol sa kanilang samahan. Isang miyembro nga ang naglabas ng kaniyang damdamin sa kanilang samahan kung paanong ikinahihiya ito sa ngayon. Isa na nga diyan ay ang isyu ng sa traffic pag nasa labas sila
"It is not a secret that people smirk at us as we block traffic whenever we have our Grand Evangelization. We want to show our numbers, we want always to be Guinness’ pride in things that we do. We are so proud of being an Iglesia ni Cristo member. But now, it is not so with me."
Eto lang ang masasabi ko. Kung gumagawa kayo ng isang bagay, at sa palagi nalang na ginagawa niyo ito ay nagagalit ang marami. Aba ay mag-isip na kayo. Tama pa ba ang ginagawa niyo? Kung sa palagi nalang na gumagawa kayo ay marami ang napeperwisyo. Kabahan na kayo, baka mali na ang ginagawa niyo.