Huwebes, Agosto 6, 2015

JADINE VS KATHNIEL

#ONKJadineVsKathniel
Gusto ko sanang mag-comment sa mga napapanahong balita ngayon. Gaya na lamang ng mga balita ukol sa kakandidato sa pagka-Pangulo ng bansa. At sa gulo sa Iglesia ni Cristo. But since we were advise not to make sawsaw sa kanilang gulo, and which also, the news speaks it for itself. No need to write anymore about it. As for the Presidential race. I will write sometime in the future. For the race has not yet started and it's still magulo pa sa ngayon. Saka na pag lalo ng gumulo.
Dahil nga outgoing at papatapos na ang Bridges of Love, ay may bagong ipapasok na serye ang Kapamilya Network na On the Wings of Love. Ito nga ay pagbibidahan nila James Reid at Nadine Lustre. At dahil dito makakatabi nila ang serye namang Pangako Sa'yo na pinagbibidahan nila Kathryn Bernardo. I smell a KathNiel vs JaDine battle
Maraming beses na ngang naikumpara ang JaDine sa KathNiel, ito ay dahil nauna ang KathNiel na maging love team kaysa sa JaDine. Pero ang tanong. Sino nga bang pares ang mas maganda ngayon?
Obviously ay may biased kaagad ako. I'm leaning towards the JaDine team. Bakit? Marami kasi silang kalamanagan sa KathNiel. Una siguro ay dahil nagkiss na sila on-screen. Maybe because of my age and the target demographic of the Kathniel love team wasn't my age demographic maybe that's why also I don't like them. Isa pang lamang ng JaDine ay hindi sila. Hindi sila mag bf/gf. Sa love team kasi. Mas lamang ang love team na hindi pa mag-on kesa mag-on na. Bakit? May aabangan pa kasi sa inyo. Ang nasa isip ng mga fans ay magkakatuluyan kaya sila. May ganoong factor. Kesa mag-on na. Ang iniisip ngayon ng tao, maghihiwalay din yan. At pag naghiwalay, sira na ang love team. Ngayon, eh ang KathNiel naman ay hindi rin naman sila? Oo nga hindi sila. Pero may hindrance factor na agad. Hindi ko alam kung bakit brining up ng ABS yon, kahit hindi naman kailangan. Yun nga ay ang pagiging Iglesia ni Cristo ni Kathryn. Isa nga sa doktrina nila ay bawal magkakasintahan at mag-asawa ng hindi kapatid sa kanilang samahan. Na kung lalabagin nga nila ay ikatitiwalag. Si Daniel Padilla naman ay isang Katoliko.
Ang worry ko lang ay ang timeslot na paglalagyan sa kanila. Karamihan ngang nailagay dito noon ay mga heavy-drama na may mga mature audience. Although mas mature na love team ang Jadine kesa sa Kathniel. Pero tama ba ang timeslot. Ang mga predecessor nila ay mga masasabing high caliber actors at actresses na. Pero kung sa bagay ang ABS naman ang nagdidikta ng trend sa TV. Hindi ang kahit ano pa mang network. Pero baka lang maging mababa ang ratings nito than expected dahil nga sa mature audience ang timeslot na ito, at napaka-bata pa nila. At ang papalitan nilang drama ay isang heavy drama. Doon lang ako nangangamba. Sa bagay din lead in naman nila ang Pangako Sa'Yo.
If all goes well between these two seryes. The only sure winner is ABS-CBN.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento