Nag rally nga ang mga miyembro ng maimpluwensiyang grupo ng Iglesia ni Cristo sa harap ng DOJ. Ito daw ay para sa sa diumano'y pakikialam ni Secretary Leila De Lima sa kanilang internal problem. Maririnig nga at makikita ang mga katagang SEPARATION OF CHURCH AND STATE, sa kanilang mga sigaw at mga plakards
Ngunit ano nga iba ang ibig sabihin ng SEPARATION OF CHURCH AND STATE? Ayon sa 1987 Constitition ang nakasaad ay ganito:
The separation of Church and State shall be inviolable. (Article II, Section 6)
No law shall be made respecting an establishment of religion, or prohibiting the free exercise thereof. The free exercise and enjoyment of religious profession and worship, without discrimination or preference, shall forever be allowed. No religious test shall be required for the exercise of civil or political rights. (Article III, Section 5)
Iyon pala ang ibig sabihin. Walang pakialam ang estado sa pagpa-practice ng anomang religion ng kanilang paniniwala. Ngayon ang DOJ ba ay nakialam sa mga paniniwala ng Iglesia ni Cristo? Nakialam ba ang DOJ na ang paniwala ng Iglesia ay tao si Cristo? Hindi. Nakialam ba ang DOJ na pag Huwebes ay may abulyan pa rin ang Iglesia? Hindi. So hindi nilalabag ng DOJ ang nakasaad sa Constitution.
Eh ngayon ano ba ang ginawa ni Secretary Leila De Lima. Ginagawa lang ang trabaho niya. Ang trabaho niya ay mag-imbestiga kung may inhustisyang nagaganap sa paligid, Dahil siya ay Secretary of the Department of Justice o DOJ nga. Ano ba ang inhustisyang nagaganap. Ayon mismo sa mag-inang Manalo. May mga ministrong dinukot at nawawala. At dahil na rin nagsampa na ng kaso si Isaias Samson for illegal detention laban sa mga sinasabing taga-Sanggunian.
Ngayon, eto lang ang masasabi ko. Sabi ng kasabihan. Ang may sugat lamang ang siyang umaaray. Bakit ganoon na lang ang galit niyo sa mga nag-iimbestiga patungkol sa mga diumano'y kidnapping. Sabi nga kung wala kayong tinatago, bakit kayo matatakot? Malamang siguro may mga tinatago kayo. Hayaan niyo si Secretary De Lima na gawin ang trabaho niya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento