Akala nga natin ito ay pang picture-picture lang, oh di kaya'y pang video-video lang ngunit may nakatago pala itong kapangyarhan, sa tulong nga ng internet thru social networking sites ay mabilis ang paglaganap ng mga impormasyon. Dahil nga sa camera ay maari kang sumikat, o di kaya'y masira ang buhay.
At ngayon pa na ang camera ay hindi lamang limitado sa pinipindot at nagpa flash, nasa mga cellphone na rin ito, na mas madaling dalhin, at may mga kamera na pinaliit for it be handy for the users.
Marami na ngang sumikat dahil sa camera, kinunan ang sarili, habang nagperform at inupload sa internet, boom nakita, nadiscover sila.
Ngunit doon tayo sa isyung napapanahon at tila sunod-sunod na may kinalaman ang camera at internet, una:
Ang kinalaman ng kamera sa isyung TULFO-SANTIAGO incident, una nga nito ay si Mon Tulfo ang napasama, ngunit dahil sa isang video na na-iupload sa internet, ay na vindicate ang mama, at napasama sila Raymart at Claudine. Ikalawa:
Ang pagkahuli sa akto ng isang istasyon sa isang mama na mainit ang ulo, na bandang huli ay sumapok sa mukha ng pobreng MMDA official. Na kumalat din sa internet. At nagbunsod ng malawakang pagkondena sa mamang si Robert Blair Carabuena, at simpatya naman kay MMDA officer Saturnino Fabros.
At ang pinakahuli nga ay ang pagkapost sa FB ng video tungkol sa sagutan ng isang estudyante at isang lady guard sa LRT station. Trending nga ito sa twitter habang sinusulat ko ito. Kahit anong isip ang gawin ko ay hindi ko nga magawang magbigay simpatya sa estudyanteng nagngangalang Paula Jamie Salvosa. Ipinagyabang pa kasi na may pinag-aralang tao siya, sa loob-loob ko eh hindi ka pa nga tapos may pinag-aralan ka na? Yan tuloy kick-out siya sa kaniyang eskwelahang La Consolacion University. At hindi gawa ng isang may pinag-aralan na mambastos, lalo pat naka-uniporme, uniporme pa lang ng guard means authority na. Tapos sasabihin mo may pinag-aralan ka! Ang mga tweet mo ay mali-maling ingles gaya nito
Imbes their, they, yan ang may pinag-aralan pero walang pinagkatandaan. #AMALAYER. Ang makabagong teknolohiya nga naman nagtuturo sa atin. Gaya ng camera, tinuturuan tayong mag-grab ng opportunity, at mag-ingat sa bawat gawang ating ginagawa, at baka hindi natin alam kinukunan na tayo. The end.