Miyerkules, Nobyembre 23, 2011

2 YEARS AND STILL, NOTHING


"Kumukupas na po ang ang itim na damit ko, dalawang taon na namin po itong ipinaglalaban"-pahayag ni Kapatid na Juliet Evardo, ina ng Kapatid na Jolito Evardo ng UNTV, isa sa nasawi sa Maguindanao Massacre.

Noong Nobyembre 23, 2009, ay 57 na kagawad ng media, pati ng mga kasama ng asawa ni Governor Ismael "Toto" Mangudadatu, ay walang awang pinagpapatay sa Shariff Aguak Maguindanao.


Ngayon nga ay dalawang taon na ang pangyayaring ito, ngunit wala pa ring nangyayaring pag-usad. Hindi ko rin maintidihan kung ibig ba talaga ng Korte Suprema na maitelevised ang paglilitis ng mga akusado. Pinayagan nga nila, ngunit katakot-takot na restriction ang nakapaloob. Umalma tuloy ang mga istasyon, na sana'y magsasahimpapawid ng paglilitis. Hanggang sa ito'y nabaon na rin sa limot.


Kahit nga nakakulong nga ang mga Ampatuan, ngunit ang kanilang kapangyarihan ay hindi maikukulong. Nito lamang nakaraang Agosto, ay kamuntikan nang madale si Maguindanao Governor Toto Mangudadatu, pinalad lamang siya at hindi siya mapahamak, ngunit hindi pinalad ang kaniyang Board Member Russman Sinsuat. Wala naman ibang maaaring magtangka ng ganoon kay Mangudadatu, kundi ang mga nasa likod din ng Maguindanao Massacre, na pinaniniwalaang ang mga Ampatuan.


Nobyembre 22, 2011, ay sinampahan ng kasong sibil ang dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ng mga kaanak ng mga nasawi sa Maguindanao Massacre. Ito ay sa pagpapahintulot niya na magkaroon ng private army ng mga Ampatuan, na siyang ginamit nila sa nangyaring massacre, pati na rin sa pagbaliwala niya sa human rights abuses ng mga Ampatuan, at bilang Commander-in-Chief, sa pagbaliwala ng AFP, sa paghingi ng security escort ni Toto Mangudadatu, para sa convoy. Sabi nga ng isang abogado, hindi lang ito basta massacre, kundi genocide.

Dahil nga sa Maguindanao Massacre, ang Pilipinas ay nasama sa mga lugar na delikado para sa mga mamamahayag, kasama nga natin ang mga lugar na may kaguluhan at digmaang kasalukuyan.

Nito ring kamakailan ay nagkaroon ng engkwentro sa Basilan, kung saan na-ambush ang mga sundalo ng mahigit 200 na pinaniniwalaang mga MILF(Moro Islamic Liberation Front). Dahil nga sa pangyayari ay maraming nanawagan ng ALL-OUT WAR, ngunit ang tugon ni Pangulong Noynoy Aquino ay ALL-OUT JUSTICE.


Napakadali ngang sabihin niyang ALL-OUT JUSTICE, ngunit ang iyan ang paninindigan ng Pangulo, wala nga tayong magagawa. Sana nga lang ay maging totoo. Kung papaanong ang ALL-OUT WAR ay indiscriminatory, sabi nila, gayun din dapat ang ALL-OUT JUSTICE. Hindi lang nakafocus sa isang pangyayari, dapat ay madamay din naman sa sinasabing ALL-OUT JUSTICE, lalong lalo na ang mga biktima ng Maguindanao Massacre. Huwag naman sanang paabutin pa ng susunod na taon ang kasong bito bago maresolba, at mahatulan ang mga nagkasala.


Ito nga ay pangyayaring pwede namang hindi naganap. Kung naging matapang lamang si Mangudadatu, na mag file ng sarili ng COC, may army din naman siyang sarili. Di sana'y sila na lang ng mga Ampatuan ang nagsagupaan, at walang ibang nadamay na wala namang kinalaman. Ginawa niya kasing, para sa akin, ay defense shield ang kaniyang asawa at ang media.

At ang mga Ampatuan, kaya naman nila maniubrahin ang halalan, ng walang patayan, gaya ng dati nilang nagagawa, gaya ng nangyari kay FPJ, na naging 0 sa kanilang mga nasasakupan. Ang massacre na ito ay naganap, because of the powers that shouldn't be.

Dahil din sa pangyayaring ito, ay may mga pamilya na nawalan ng asawa, anak, kapatid, kamag-anak at kaibigan, dahil lamang sa mga taong ganid sa kapangyarihan.

At para sa mga mamamahayag, para sa akin nga, hindi karapatdapat nga ang pamagatang "AMPATUAN MASSACRE" ang naganap dalawang taon ang nakalilipas, mas karapatdapat nga ang pamagat na "MAGUINDANAO MASSACRE". Ito nga ay dahil hindi naman ang mga Ampatuan, ang pinagpapatay, bagkus sila pa nga ang pinaniniwalaang pumatay sa mahigit 57 ka tao sa Maguindanao.

Ang aking ultimatum sa mga humahawak ng kaso para maresolba ay hanggang 2012 lamang. Pangulong Noynoy, panindigan mo ang sinasabi mong ALL-OUT JUSTICE, mas karapatdapat ngang magtamo ng hustisya ang mga nasawi sa Maguindanao Massacre kaysa sa sundalo na nasawi sa Basilan. Ang mga sundalo nga ay may baril, kaya nilang lumaban, at bahagi ng kanilang sinumpaang tungkulin ang mamatay sa pagtatanggol sa bayan. Ang mga nasawi sa Maguindanao Massacre, kamera, telepono, ballpen lang ang hawak na armas, wala silang kalaban-laban sa private army ng mga Ampatuan. Hindi ko sinasabi na isantabi na lang ang nangyari sa Basilan, ang sa aki lang ay unahin muna bigyang hustisya ang mga biktima ng Maguindanao Massacre, dahil ito rin naman ay nauna sa pangyayari kaysa sa Basilan

Muli ay isisgaw ko, KATARUNGAN PARA SA MGA BIKTIMA NG MAGUINDANAO MASSACRE. Huwag na sanang magkaroon ng ikatlong taon bago matamo ng mga naiwan, ang hustisya na nararapat lamang sa kanila.


2 TAON NA, HANGGANG KAILAN PA?

Biyernes, Nobyembre 18, 2011

ANG MASASABI KO SA PACQUIAO-MARQUEZ III FIGHT


Hindi ko nga napanood ng mismong araw ang laban nila Pacquiao at Marquez, dahil sa busy ako noong araw na iyon, kung saan naganap dapat ang sinasabing "conclusive fight" na, ngunit ang laban ay nabalot ng kontrobersiya.

Sa score na 114-114, 116-112 at 115-113, majority decision ay nanalo ang Pinoy Champ, ngunit marami ang hindi kumbinsido. May nagsasabing si Marquez daw ang dapat nanalo, gaya ng mga Mexicano, pati narin ng ilang Pilipinong nakapanood ng laban.

Ako rin ay nakapanood, ngunit sa replay lamang. Hindi nga ako eksperto sa pag-analyze tungkol sa boxing, ngunit ito ang aking pagtaya sa nangyaraing labanan, kada round

R1-PACQUIAO
R2-MARQUEZ
R3-PACQUIAO
R4-DRAW
R5-MARQUEZ
R6-PACQUIAO
R7-MARQUEZ
R8-PACQUIAO
R9-DRAW
R10-PACQUIAO
R11-PACQUIAO
R12-MARQUEZ

Para sa akin nanalo si Marquez sa round 12, ito siguro ang pinagmulan ng mga perception na si Marquez ang nagwagi, ngunit iyan ay ayon lamang sa aking pagtaya, hindi iyan ginamitan ng siyentipikong pamamaraan, at hindi karapatdapat na batayan. Si Pacman nga ang nanalo sa mas maraming rounds. Ayon na rin sa mga sinasabi ng mga komentarista ng boxing, si Marquez ay hidi sumusugod, kundi nag-aabang lamang, ngunit nakapagpapakawala ng magaganda rin namang suntok. Siya ang challenger, ngunit ang champion pa ang agresibo.

Para din sa akin ay tabla sila sa mga rounds ba 4 at 9, para sa akin ay magaganda ang palitan ng mga suntok ng mga rounds na yon. Kung susumahin lahat, ay 6 rounds panalo si Pacman, laban sa 4 rounds na naipanalo ni Marquez , kung ibabawas pa ang draw, ayon sa aking pagtaya.

Isa pa marahil sa perception, na pinagmulan ng mga duda sa pagkapanalo ni Pacman, bagamat tumatama ang mga suntok niya, ngunit, ito ay mahina, na hindi nakapahgdulot ng knock-out kahit isa man lang, na lubos na inaasahan ng mga fans ni Pacman,sa Pilipinas at sa buong mundo. Knock-out na dati niya rin namang nagawa kay Marquez.

Ngunit kahit anong gawin natin, kahit anong debate pa ang maganap, isa pa rin ang totoo, hindi na mababago ang pasya ng mga hurado na si Pacquaio ang nagwagi, at si Marquez ang sawi.

Ang Tanong, Dapat bang magkaroon ng ikaapat na yugto ang labang Pacquiao-Marquez? Para sa akin, Oo, dahil parehong bitin ang performance ng dalawang boksingero. Ngunit ang dapat maging kasunod na ay ang Pacquiao-Mayweather na. At ang burden ng pagpapatunay ay wala kay Pacman, kundi na kay El Dinamita.

Naiintindihan ko naman ang galit ng mga Mexicano, hindi sila masyadong nakakatikim ng panalo, kung si Pacquiao ang kalaban ng kanilang mga boksingero. Marami na rin kasing tinalong boxer na Mexicano si Pacquaio, isa nga dito si Marquez. Marahil ay lubos silang umasa sa pagkakataong iyon sa kanilang pambato, at dahil na rin sa hindi kagandahang performance ni Pacman, ay inakala nilang panalo na sila, na humantong sa kanilang pagkabigo at pagkadismaya.

Last words: To all Pinoys-Enjoy the Triumph, and to Mexicans- Accept your Defeat,Los mexicanos, aceptar su derrota

Mabuhay Manny Pacquiao!

Lunes, Oktubre 31, 2011

KIM AND KRIS SPLIT


Muli na namang gumawa ng malaking balita ang reality star na si Kim Kardashian,ayon sa TMZ, isang showbiz news show sa Amerika ay magpa-file daw ng divorce si Kim Kardashian laban kay Kris Humphries, mamayang umaga sa kanila, tumagal nga ang pagsasama nila ng mahigit 72 araw.

Ganon na lang ba talaga yun? nakapanghihinayang, mula sa pera, pagsasama, sa bagay ay kumita naman sila sa kasal na iyon, ang gastos nga ay umabot ng at least $10 million dollars.

Bago pa man lumitaw ang balitang ito, ay napapabalitang rocky na ang relasyon ng mag-asawa, at natuloy na nga sa hiwalayan.At ang dahilan lamang daw, ay, ayaw lumipat at tumira ni Kim sa Minnesotta.

Hindi nga magandang ehemplo sa kabataan, na tularan sila, ang kasal ay sagrado, di dapat gawing laro, na tila pinaglalaruan lang ng mga taong ito, na lubhang mga sikat at maraming umiidolo at maaring gayahin sila. Lalo pa't itong si Kim Kardashian ay mayroong reality show sa Amerika, kung saan ang pang-araw araw niyang buhay ay nakabuladlad sa harap ng camera.

Hay naku!

Linggo, Oktubre 30, 2011

MULTI TOPICS




TOPIC 1: Yue Yue, Farewell, There is no Car in Heaven
Iyan nga ang batang si Yue Yue, isang dalawang taong gulang na bata na nasagasaan sa Foshan Guandong China. Nakakapanginig nga ng laman ang mga nasaksihan ko sa CCTV, una ay ang pagkasagasa, na alam na alam mo na masakit. Iyon talaga ang magiging aksyon talaga ng drayber ng van, dahil sa siya'y walang puso. Ngunit ang nakakagulat, ay, hindi lang pala ang drayber ng van ang walang puso, pati itong labing walong katao na dumaan, at di man lang pinansin ang kaawa-awang bata, na naging dahil ng pagkasagasa muli nito sa isa pang humaharurot na van. Isang hamak na basurera lamang ang nagmalasakit na itabi ang katawan ng bata, hanggang sa tuluyan na ngang dumating ang ina at naisugod na sa ospital ang bata

Nangyari nga ito noong Oktubre 13 2011, walong araw ang lumipas, pumanaw ang bata.

Una ngang sinisisi ko sa pagkamatay ay ang ina, di dapat pinababayaan ang bata na gaya ng gulang ni Yue Yue, ikalawa ay ang batas na umiiral sa China, tumulong ka na huhulihin ka pa, na marahil naging dahilan kung bakit natakot ang mga taong nagdaan, na makialam, pero hindi, pwede namang hindi pakialaman, ngunit tumawag ng ambulansya o tulong sa iba, paligiran man lang, upang hindi na masagasaan pa siyang muli, ngunit nagdaan lamang sila at walang ginawa, 18 ang dumaan at walang ginawa.



TOPIC 2: PILIPINAS GOT SINGING TALENT
PGT SEASON1 GRAND WINNER: Jovit Baldovino
PGT SEASON2 GRAND WINNER: Marcelito Po Moy
PGT SEASON3 GRAND WINNER: Maasinhon Trio

Kayo na ang humusga!
ABS na rin mismo ang umaamin na maraming netizens ang dismayado sa resulta ng latest grand finals ng PGT, bakit? hindi kaya dahil, hindi ito ang tunay na resulta? nagtatanong lang naman, hindi ko kasi maiwasang maisip na baka may nangyayaring manipulation ng mga boto, bakit? dahil may history ang ABS sa ganyan, naalala nyo ba ang "KITA MO" scandal.

Para ding yung Pinoy Big Brother, yung nangyari kay Trisha Santos, hindi nga matanggal si Trisha bagamat palaging na nonominate dahil sa dami ng sumusuporta sa kanya, ginawan nila ng vote to evict, imbis vote to save lang dapat, at pagka labas ni Trisha, tinanggal ang vote to evict, ano ibig sabihin noon? Kayo na ang humusga!

Naniniwala po ako na magaling ang mga nagwagi sa PGT, ngunit bakit singers lang? bakit singers lang? Sana na nagpasinging contest na lang kayo, itigil na yang PGT, tama at X-Factor na lang gawin nyo. Mas may kredibilidad pa ang show na Talentadong Pinoy.

Diyan po nagtatapos ang post na Multi Topics.

Sabado, Agosto 20, 2011

FROM TWO GIANTS TO BIG THREE


Ako nga, mula pagkabata ay tuwang tuwa sa panonood ng TV, parang hindi ako mapapalagay kung hindi ako makakapanood. Kaya nga ng magkaroon ako ng cellphone TV ay lalo akong natuwa.

Dati nga ay dalawa lang ang naghahari sa Philippine Television, bagamat marami ang istasyon, ay dalawa lang ang naghahari, ito nga ang GMA, at ang ABS-CBN.

Nakakatuwa nga ang away ng dalawang istasyon na ito. Tapatan sila ng tapatan, walang nagpapatalo. Maging sa mga noontime show nila noon, lalo na ng panahon ng Wowowee ng ABS-CBN, na katapat ng Eat Bulaga ng GMA. Naging personal nga ang away ng mga host na sila Joey De Leon ng Eat Bulaga, at Willie Revillame ng Wowowee, na ngayon ay nasa TV5 na sa kaniyang show na Wiltime Bigtime.

Pati ang awayan sa ratings, lalo na ng akusahan ng ABS-CBN ang GMA ng pandaraya sa ratings. Ang akusasyon nga ay pinupuntahan ng tao ng GMA at sinusuhulan ang mga may-ari ng bahay na may AGB panels, kung saan nasusukat ang ratings ng AGB Nielsen kung anong istasyon nga ang mas malakas. Buwan din nga ang itinagal ng patutsadahan ng dalawang istasyon.

Hanggang sa dumating ang taong 2010, ang TV5, na dating ABC5, ay nagkaroon ng bagong pamunuan, mula kay Antonio "Tony Boy" Cojuangco ay nalipat ito kay Manny V. Pangilinan "MVP". Binago niya nga ang istasyon at unti-unti itong pumantay sa labanan ng ratings, from Two Giants to Big Three. Lalo ngang tumaas ang ratings ng Kapatid Network ng dumating si Willie Revillame noong October 23, 2010, at nag premiere ang kaniyang show na Willing Willie, na ngayon ay Wiltime Bigtime na.

Umangat nga nga TV5, nanatili ang ABS-CBN sa kaniyang kalagayan, at ang GMA naman ay bumagsak. At threatened na nga ang ABS-CBN sa patuloy na pag-angat ng TV5, kaya nga hindi nila tinigilan ang show na Willing Willie ng masangkot ito sa isang kontrobersiya.

Kung raranggohan ko nga ang tatlong istasyong ito, ang numero uno pa rin ay ang ABS-CBN, malapit na pangalawa ang TV5, at malayo sa una at sa pangalawa ang GMA.

Madali lang naman malaman kung anong istasyon ang sikatkahit wala pang istatistikang ipapakita. Konting analysis lang. Pagdating sa mga bagong artista, kaninong mga artista ang mas sikat at kilala, walang duda na ang mga bagong artista ng ABS-CBN, gaya nila Kim Chiu, Empress Schuck, Jessy Mendiola atbp. Ang mga bagong singkaw sa GMA ni hindi ko nga kilala, si Jewel Mische ni hindi ko nga alam na artista ng GMA, dahil hindi mo naman nabalitaan. Kung baga sa tindera, hindi magaling magbenta ang GMA, mas kilala pa ang mga bago ng TV5 kaysa sa GMA.

Pati na rin sa lipatan, mas pinupuntahan nga ang TV5 at ABS-CBN, kaysa sa GMA. Kahit ako artista hindi ako lilipat sa GMA. Tignan nyo na lang ang nangyari kay Jolina Magdangal, Claudine Barretto, Heart Evangelista, nang lumipat sa GMA, hindi ba at na laos? Sila Angel Locsin, Cristine Reyes, Sarah Geronimo at marami pang iba na dating Kapuso, noong lumipat sila sa ABS-CBN, mas sumikat pa sila, classic example na lang si Jewel Mische, nakilala ng mga tao ng lumipat sa Kapamilya Network.

Ang GMA rin ay isang istasyong napakasamang iwan. Tignan niyo na lang ang nangyari noon kay Angel Locsin nang maalamang papalipat na sya sa Kapamilya Network. Biglang kumalat ang mga pornographic videos sa mercado ni Natt Chanapa, isang Thai porn actress, ngunit ang nakalagay sa mga label nito ay "Angel Locsin Sex Scandal". Sino kaya ang nasa likod nito.

Patuloy nga ang pagbagsak ng ratings ng GMA, at magpapatuloy pa ito sa pagbulusok pababa, dahil sa pag-ulit sa isang maling hakbang. Nagdeklara nga noong August 7, 2011 sa harap ng kapatiran ang mga lider ng Members, Church of God International, na sila Bro. Eliseo F. Soriano, at Kuya Daniel S. Razon, ng boycott laban sa GMA Network. Dahil nga ito sa pagpapalabas muli, na naging dahilan na rin ng pag boycott sa GMA rin noon, ng episode ng Case Unclosed entitled Paninirang Puri sa GMA NewsTV. Hindi nga patas ang ginawa ng GMA Network laban kay Bro. Eli sa pagpapalabas ng episode ng Case Unclosed na tumatalakay sa kasong rape laban kay Bro. Eli, na isinampa ni Daniel "Puto" Veridiano, na isang miyembro ng Iglesia ni Cristo ni Manalo, dahil nasa korte nga ang merits ng kaso, at bawal pag-usapan publicly. Alam nga ito ng mga abogado.

Hindi nga biro kung maboycott ang sinoman ng Members, Church of God International. Bakit? From the word International, may mga members po kami internationally, na makikiisa sa pagboycott laban sa GMA. Idagdag mo ang mga dumarating na bagong members, sa isang regular baptism lang ng samahan, ay hindi bababa sa 100 hanggang 300 kada linggo ang nagiging bagong members, lalo na pag Mass Baptism ay umaabot sa 1000 pataas ang nagiging bagong members(lahat nga iyon ay mga nasa tamang gulang, walang bata.) Ilan nga doon ang may hawak ng remote na makikiisa sa pagboycott sa GMA. Lalo na ang mga kaanib na matatagal na at lubos ang paniniwala sa aming lider na si Bro. Eli, at Kuya Daniel, na makikiisa laban sa bias na istasyon, na halatang pumapanig sa aming kalaban na Iglesia ni Cristo ni Manalo. At naniniwala ako na ang aming bilang ay hindi kaunti kundi marami.

Hindi nga totoo ang slogan ng GMA na "Walang kinikilingan, Walang pinoprotektahan, Serbisyong Totoo lamang" dahil may kinikilingan kayo. hindi rin kayo tahanan ng katotohanan, manapa kasinungalingan. Kung hindi nga magbabago ang GMA, ay babagsak ng matindi ang ratings nyo.

Sa lahat po ng makakabasa ay samahan nyo kami sa pagboycott sa GMA, manood na kayo sa iba wag lang sa GMA, sa mga dahilang bias sila, walang kwenta ang mga teleserye nila, nandadaya sila ng ratings, at sa mga artista, hindi kayo bibigyang halaga kung hindi kayo malakas, kanino ewan ko, at hindi kayo sisikat sa kanila. At maaari ka pang siraan ng matindi, gaya ng nangyari kay Angel Locsin.

BOYCOTT GMA!

Hindi nga magtatagal maaaring bumalik tayo sa two giants, pero hindi na GMA ang isa sa dalawa. The End.



Miyerkules, Agosto 10, 2011

REPEAT OF HISTORY?


Napakaganda nga kung ang mauulit sa kasaysayan ng mundo ay ang mga mabubuting nangyari. Ngunit ang mga nabibigyang halaga sa kasaysayan ng mundo ay ang masasamang pangyayari.

Ngayon nga ay bagsak ang credit rating ng Estados Unidos. Maraming bansa nga ang apektado nito. Isa na nga ang Pilipinas. Nakakatakot nga ang mga nangyayari sa kasalukuyan kung babalikan mo ang nakaraan.

Noong nakaraan nga, pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, ay ganitong ganito rin ang mga pangyayari. Bagsak ang ekonomiya ng maraming bansa dahil sa digmaan. Dahil dito ay lumitaw ang mga radikal na grupo, gaya ng mga Nazi, at ang komunismo ay unti-unti ring lumalaganap.

Ang ibig ko lang sabihin ay ang mga ganitong sitwasyon ang nagbigay kapangyarihan kay Hitler noon. Lubha ngang nakakatakot kung ito ay mauulit pa.

Ang pagbabalik ng mga Nazi sa kapangyarihan ay may posiblidad, dahil sa mga Neo-Nazis, pati na rin ng mga tunay na Nazi's na nakatakas sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at hindi na nahuli. Karamihan nga daw sa kanila ay nasa mga bansa ng South America.

Nang mapanood ko naman ang balita tungkol sa kaguluhan sa London, ay isang bagay lang ang naalala ko mula sa nakita ko rin sa mga aklat ng kasaysayan, ang London Blitz noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Maikukumpara nga ang mga imahe ng nasusunog na gusali noong London Blitz nung 1940 at ng mga kasalukuyang kaguluhan sa London din.


Hindi ko naman sinasabi na malapit na ang Ikatlong Digmaang Pandaigdig. Ngunit ang mga naging dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ay nakarating sa kapangyarihan, dahil sa mga pangyayari noon na kahawig ng mga nangyayari ngayon. Kaunti na lang ang kulang sa mga sangkap, at magaganap na ang Ikatlong Digmaang Pandaiigdig.

Matatandaan din noon, na nakabawi ang ekonomiya ng Estados Unidos noong panahon ng Pangulong Franklin D. Roosevelt, dahil sa digmaan ng Britanya at Alemanya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sa pamamagitan ng pagtitinda ng armas sa Britanya.
Expect the Unexpected, and Anticipate ng hindi tayo nagugulat.








Linggo, Hulyo 31, 2011

SONA AT SINE

SONA at SINE, ano ang kanilang pagkakatulad?, sa katotohanan ay hindi ko alam, isa lang ang alam ko,pareho silang may istorya. Ang SONA, o State Of the Nation Address ni Pangulong Noynoy Aquino, ay may istorya ng kaniyang pamamalakad, at ng pamamalakad ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pamahalaan. Ang SINE naman, ay may istorya na ibig ikuwento ng direktor nito. Tatalakayin ko nga ngayon sa entry na ito ang dalawang magkahiwalay na paksang ito.

Unang Paksa:SONA

Daang Matuwid. Ito nga ang ipinangakong daang tatahakin ng administrasyong Aquino. At sa pagdaan niya dito ay walang wang-wang. Ang wang-wang nga ang halos naging tema ng buong SONA ni Pangulong Noynoy Aquino nitong nakaraang linggo. Ang wang-wang ay tumutukoy sa corrupt na pamamaraan ng dating administrasyon.

Marami ngang binanggit ang Pangulo tungkol sa makawang-wang na pamamaraan noon, ngunit ang tumatak sa akin ay ang 1 billion mahigit na nagastos ng PAGCOR sa kape lamang, pumapatak nga na nasa 900 pesos kada isang cup, ito nga ay ayon sa abogadong nagtatanggol sa dating pamunuan ng PAGCOR. Mahal pa rin! Punta na lang kayo sa Starbucks, mahal ang kape doon, pero hindi naman sisiguro aabot ng 900 pesos. Grabeng overpricing. Ganoon din naman ang mga helicopter ng PNP, presyong brand new, pero second-hand pala. Malaman-laman natin ng imbestigahan sa Senado isa lang ang brand new, o fully equipped, at yung iba ay hindi.

Napakarami palang kalokohan na naganap noon na ngayon lang natin nalaman, gaya na lang ng paglalaro ng putik sa Laguna Lake, food for school, hindi pagbabayad ng tamang buwis ng pribadong sektor, at ang sobrang pag-aangkat ng bigas.

Isa naman sa ipinagmamalaki ng administrasyong ito ay ang pagbaba diumano ng hunger rate ng bansa, na hindi ako masyadong kumbinsido, pero maaari akong maniwala. Bakit? Baka kasi namatay na sa gutom yung iba, kaya kaunti na lang ang nagugutom.

Bilib ng ako sa SONA ngayon, dahil nga ito'y nasa wikang Filipino, na siyang marapat lang naman, Pilipino ang kausap mo ay dapat sa kanilang wika ka rin magsalita, di dapat Ingles, kung saan hindi lahat ay nakakaintindi.

Ito nga ang pinakagusto sa buong talumpati, ang linyang ito: "Ang sa Pilipinas ay sa Pilipinas; kapag tumapak ka sa Recto Bank, para ka na rin tumapak sa Recto Avenue" at ito "Wala tayong balak mang-away, pero kailangan ding mabatid ng mundo na handa tayong ipagtanggol ang atin. Pinag-aaralan na rin po natin ang pag-angat ng kaso sa West Philippine Sea sa International Tribunal for the Law of the Sea".

Marami ngang pagbubunyag at pagmamalaki sa SONA ni Pangulong Noynoy Aquino. Ngunit ang Pinakamatinding ibinunyag, ay ang bagong Ombudsman, ang dating Associate Justice Conchita Carpio-Morales. Kaya ng marahil ng maalaman ito ni Gloria, ay biglang sumakit ang leeg, at naisugod tuloy siya sa St Lukes sa Taguig. Maluwalhati namang nairaos ang operasyon ng dating Pangulo. Buti na lang at hindi namatay, para mapagdusahan niya ang kaniyang mga kasalanan sa bansang Pilipinas. Bakit ganoon ang mga politiko, kung kailan malapit, o di kaya nakakulong na, dumadami ang sakit? Samantalang noong namamayagpag pa sila, wala naman.

Ngunit kung titignan niyo, lahat ng binanggit sa SONA ay para i self-glorify ang administrasyong ito. Hindi dama ng mas nakakaraming pinoy. Paano na yung problema sa pagtaas ng presyo ng langis na napakaraming idinadamay at sinasama pag tumaas, ang Maguindanao Massacre, ano na nangyari, hindi nga ito nabanggit. At ang Freedom of Information Act, bakit hindi ito kasama sa priority bills ng administrasyon, ito nga ang sisisgurado na ang daang tatathakin ng administrasyong ito, at ng mga susunod pa ay ang Daang Matuwid. Nauna pa ang pagbili ng Porsche, at panliligaw, may Shalani na kasi, hiniwalayan pa. Ngayon nahihirapan sa paghanap ng bago. Ano ang konklusyon? mamaya na.

Ikalawang paksa: SINE

Puro nga puna ng laman nito. Tila baga nawawalan na ng kwenta ang mga pinapalabas sa sine. Gross na lang ba talaga ang batayan ng paggawa ng pelikula. Lagi na lang kapag Metro Manila Film Festival, ang mapapanood mo Enteng Kabisote, Shake Rattle & Roll, yun at yun lang nakakasawa. Kaya ng hindi dapat Film Festival ang tawag diyan, Circus.

Hindi nga katakataka, na mas mahina ang pelikulang Pilipino kaysa Foreign Films, bakit? wala ng artistic value, wala pang kuwenta ang istorya, lagi mong alam kung ano ang mangyayari sa huli. Meron naman, trailer pa lang, alam mo na walang kuwenta, gaya nalang nung pelikula ni Melai Cantiveros, yung "The Adventures of Pureza, Queen of the Riles".

Marami pang ibang pelikulang ganyan, walang kuwenta, walang art. Tatlo lang yan: Tanga ang Producer, Tanga ang Direktor, at Tanga ang audience na tumatangkilik.

Hindi ko sinisiraan ang pelikulang Pilipino, May mga pelikulang Pilipino na maganda, lalo na nung buhay pa ang Hari, si Fernando Poe Jr. Ngayon din naman ay maganda pa ring pelikula sa mainstream, gaya na lang pag sila Bea at John Lloyd ang gaganap.

May maganada pa ring pelikula, pero na o-overwhelmed ng mga pangit ang mainframe ng mga walang kuwenta. Katunayan niyan walang mainframe sa panahong ito na nakakuha ng award sa Cannes, mula pa sa indie films ang nakasungkit ng award.

Para sa akin ay daig na ng indie ang mainstream Pinoy films. Sa indie kasi, malaya ang direktor sda kaniyang istorya, hindi gaya sa mainstream na kontrolado ng producer, na kita lang ang habol sa paggawa ng pelikula. Quantity over Quality ang umiiral sa mainstream, hindi nga ganoon sa indie, yun ang maganda sa kanila.

Konklusyon:
SONA-Kung hindi dama ng marami, lalo na ng sikmura ang mga mga sinasabi sa SONA,
wala itong kuwenta.
SINE-Huwag pairalin ang Quantity over Quality, para magkaroong saysay ang pelikulang Pilipino.

THE END.

Lunes, Hulyo 25, 2011

CRAB MENTALITY


Ang daming balita na naganap nitong nakaraang linggo, bombahan at massacre sa Norway, pumanaw si Amy Winehouse, naglaro sila Kobe Bryant, Derek Rose, Kevin Durant, Derek Fisher, at maraming iba pang NBA superstars ng basketball sa Araneta Coliseum, laban sa mga pambato ng mga pinoy, ang PBA All Stars at ang SMART Gilas, Sisingitan ko nga ito ng isang opinyon. Better dissolve na lang SMART Gilas, they are not worthy of carrying the flag in international games, some PBA Superstars are way off better than them.

Ayon din sa nabasa ko sa isang news network site, yung nang-massacre sa Norway, ay mahilig maglaro ng World of Warcraft, DOTA. "Killing Spree" nga ang ginawa niya, ang kaso lang hindi na mare "respawned" yung mga pinatay niya. Buti na lang na "pawned" na siya ng mga awtoridad ng Norway.

Ngunit hindi nga ito ang paksa ng entry na ito, kung hindi ang "crab mentality". Ito nga ang ating ugali na hindi ipinagmamalaki, ngunit ating ginagawa.

Karaniwang palusot ito ng mga politikong tinitira ng kalaban niya, at ng mga artistang iniintriga. ika nga nila, puno silang hitik sa bunga kayo binabato.

Normal lang sa atin ito, ngunit naiinis tayo kapag tayo ang nasa kalagayang hinihila
pababa.

Ngunit, sa lahat ng nagpractice ng crab mentality, ay nakakapang-galaiti itong si Amanda Coling, puro pahaging, ayaw pa tayo diretsohin. Nagahasa ba talaga? Ayaw naman magsalita. Ito namang isang umiinterview, "You may or you may not answer the question". Very stupid for an interviewer. At the first place, bakit niyo ba ini-interview? di ba to get answers, buti sana kung yung ini-interview ang tumanngi na sumagot.

Ang tanong nagahasa ba talaga? may abuso ba? sinu-sino ang gumahasa? Wala tayong makuhang sagot. O, hindi kaya, orgy ang naganap, na ginusto din ng babae, at ginagamit niya lang ang kasikatan ng Azkals para sumikat. Hinala lang naman yun dahil ayaw tayong sagutin ng diretso.

Ang masama lang nito kung sakaling hindi totoo, at chismis lamang ang lahat, the damage has been done to Team Azkals. Natalo sila, 3-0 laban sa Kuwait, ngayon ay maghahabol sila.

Ang sa akin lang, huwag nating siraan ang sinoman, upang gamitin sa ating pag-angat. At kung lalabas ka na rin lang para maglantad ng lihim, itodo mo na ang tapang mo at huwag bitinin ang mga tao. The end

Linggo, Hulyo 10, 2011

DUTERTE PUNCH, DUTERTE FINGER






Nitong mga nakakaraang mga linggo, ang Davao City, ang siyudad na tanyag sa Durian, ang siyudad kung saan matatanaw ang Mt. Apo, at ang siyudad na tinagurian ding "Typhoon Free" City, ay naging laman ng mga balita na umalingawngaw sa buong Pilipinas.
Una, dahil sa biglaang, malakihang pagbaha, na naganap sa dako ng Matina Pangi, at mga mga katabing lugar, na kumitil ng maraming tao, sumira ng maraming tahanan, at mga kabuhayan.

Na sinundan nga kaagad ng isang demolisyon sa Barangay Tomas Monteverde, Agdao. Dito nga naganap ang tinatawag ko na "Mayors Punch" with 3 hits or 4, ni Mayor "Inday" Sara Duterte, na sinalo lahat ni Sheriff Abe Andres, ang nanguna sa nasabing demolisyon. Umani nga ang alkalde ng mga papuri, at karamihan ay batikos, mula sa mga hindi taga Davao City, at gayon din naman sa loob ng siyudad.

Hindi nga maaaring hindi makialam ang ama ng siyudad, at ama ng alkalde na si Vice Mayor Rodrigo Duterte. The attacks on her daughter of the columnist and broadcasters infuriated him, pati ng mga pahayag ni Midas Marquez, na "missing" daw diumano si Sheriff Abe, matapos ng araw na iyon, na lumitaw din naman pagkalipas ng ilang araw na buhay, Sa galit nga niya ay bumalalas sa mga media, ang dirty finger, na tinagurian na ng iba na "Duterte Finger". Pati nga ang konsehal Paolo Duterte ay nagpakita rin noon sa mga media. Pinuna nga ito ni CHR Chairman Etta Rosales, verbal abuse daw. Ngayong araw nga na isinusulat ko ito, July 11, 2011, ay sinampahan ng disbarment case si Mayor Sara Duterte.

Ang tanong, mali ba ang aksyon ng mga Duterte? Sa mababaw na aspeto ay mali. Mali ang manuntok, mali ang mag dirty finger.

Ngunit kung titignan mo ito sa malalim na aspeto, Ang tinatawag na "Greatest Good for the Greatest Number" which is democracy, according to what Vice Mayor Rodrigo Duterte said, I quote it in his program "Gikan sa Masa, Para sa Masa(Galing sa Masa, Para sa Masa)". Mas maganda na, na ang nasuntok ay si Sheriff Abe Andres lamang, kaysa mas maraming tao ang nasaktan, sa panig ng mga dinedemolis at ng mga awtoridad, kung nagpatuloy ang demolisyon.

Ito nga rin ang isa sa problema na hindi napapansin ng mga awtoridad. Before every demolition happens against the informal settlers nowadays, ay may mga militanteng grupo, mga komunista sa madaling salita, at sa aking paniniwala, na nanunulsol sa mga nakatira doon na lumaban, tinuturuan ng pagsasanggalang laban sa mga anti riot police. Tignan nyo na lang ang nangyari sa Laperal Compound sa Makati. Hindi ba maaaring sampahan ng kaso ang mga militanteng grupong ito? hindi ba malinaw na rebellion ang ginagawa nila? Magaling lang sila pag may demolisyon, ngunit pagkatapos ng gulo, wala na sila, ni anino wala kang makita. Marami ng demolisyon nang nakaraan na hindi magulo, ngunit ang mga demolisyon ngayon ay mas magulo dahil sa mga militanteng grupong ito.

Unawain na lang natin ang kalagayan ng Mayor ng Davao. Inaasikaso niya ang problema ng mga binaha sa Matina Pangi. Humingi siya ng dalawang oras na palugid sa Sheriff ngunit hindi siya pinagbigyan. Duterte na yan, hindi mo pa pinakinggan. Ikaw man si Mayor masusuntok mo siguro.

Im proud of our Mayor "Inday" Sara Duterte, we will support you all the way.

Dumako naman tayo sa ginawa ni Vice Mayor Rodrigo Duterte, na pag-dirty finger sa mga kawani ng media at mga kolumnista. Iyon nga ay pagpapakita lamang ng galit ni Vice Mayor. Mas maganda ng ganoon.(Ito nga yung parte na natatakot kong isulat pa, ngunit isusulat ko na rin.)

Mas maganda ng ganoon ang paraan, kaysa iba, alam nyo na kung bakit, hindi ko na lilinawin, ang clue ko na lang, si Jun Pala. Sa mga hindi nakakakilala, si Jun Pala, ay malupit na kritiko ni Vice Mayor noong Mayor pa siya. Tatlo o apat na beses tinangkang patayin at napatay sa pinakahuling pagtatangka. Sino nga ang pumatay? Wala akong sinasabi, hindi ko alam, at ayaw kong alamin, kung gusto niyong alamin, tanungin niyo ang mga taga Davao City, at huwag akong isali. Hindi po ako Anti Duterte, Pro po ako.

Karapatan ni Vice Mayor na magalit, araw-arawin ka ba naman sa balita, puro negatibo ang naririnig mo, magagalit ka rin at mapupuno. Darating din ang panahon na hindi na pag-uusapan ito, ngunit nakakatatak na ito sa kasaysayan. The Fist, The Finger, The End.

Biyernes, Marso 4, 2011

NORTH KOREA, SUSUNOD NA?


Dahil nga sa mga kaganapan sa Gitnang Silangan, ang mga lider ng bansang North Korea ay tila kinakabahan na. Bigla nga silang pumuri sa mga kabataan sa kanilang bansa, at nagpakita ng kaisahan ng mga namamahala.


Masasabing ang nangyayari sa Gitnang Silangan, ay ang mga pag-aalsa laban sa mga diktador. Gaya na lamang ni Hosni Mubarak ng Egypt, na namuno ng mahigit 30 taon, at ni Muammar al-Gaddafi, na namuno ng 41 taon sa bansang Libya, at nanatili pa rin hanggang sa ngayon. Ang North Korea nga mula ng matatag noong 1948, ay mayroon pa lamang dalawang lider, na pawang mga diktador, ito nga si Kim Il-Sung at Kim Jong-Il na mag-ama.

Bakit nga dapat kabahan ang mga lider ng North Korea? Nito nga lamang mga nakakaraang Nobyembre taong 2010, ay sinalakay ng North Korea, ang Yeonpyeong Islands, isang parte ng South Korea, na nagbunga nga ng masamang reaksyon sa South Korea at maging sa Estados Unidos. Kung sakali ngang mag-alsa ang mga tao sa loob ng North Korea, maaari nga itong samantalahin ng South Korea at sakupin ang kanilang bansa.

Wala ring maraming kakamping bansa at may diplomatikong relasyon ang North Korea. Ang isa sa itinuturing nilang kakampi ay ang China, na kakampi rin naman ng Estados Unidos ngayon. Hindi nga maaasahan ng mga lider ng North Korea ang pagtugon ng China na gaya ng ginawa ni Mao Zedong noon. Sa tingin ko ay wala pang bansa sa ngayon na magtatangkang lumaban sa Estados Unidos sa digmaan.

Hindi nga rin sasapitin ni Kim Jong-Il ang sinapit ni Marcos, na tinanggap with open hands ng Estados Unidos matapos mapatalsik sa Pilipinas bilang pangulo. Dahil hindi kaalyadong bansa ng Estados Unidos ang North Korea, o ng kahit anomang bansa sa mundo ay hindi tatanggapin si Kim Jong-Il. Si Marcos nga ay pro-America, hindi gaya ni Kim Jong-Il, na iniaaral pa sa mga mamamayan niya ang galit laban sa Estados Unidos. Kung sakali ngang mag-aalsa, ay uumpisahan ang mahabang pag-uusig laban kay Kim Jong-Il ng United Nations. Sa madaling salita ay walang pupuntahan si Kim Jong-Il.

Mahina na rin ang  Great Leader ng North Korea, siya nga ay napabalitang may pancreatic cancer.

May posibilidad ba na mangyari din sa North Korea ang mga nagaganap sa Gitnang Silangan? Ang  porsyento nga posibilidad ay napakaliit, dahil ang bansa nila ay nakasarado sa mundo, marahil ay hindi alam ng mga mamamayan nila na nagkakagulo na sa ibang bansa, ni wala nga sigurong Facebook sa North Korea na malaki ang naging tulong sa tagumpay ng mga pag-aalsa sa Egypt. Tanging ang mga nasa pamahalaan lamang ang nakakaalam ng nangyayari sa labas.

Ngunit wala pa ring makakapagsabi kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Taon din ang binilang bago sumiklab ang pag-aalsa sa Berlin Wall, sa Germany, sa Czechoslovakia, huwag na tayong lumayo, sa Pilipinas, ilang taon ba ang agwat ng 1972 at 1986?,  ang Libya, ang Egypt, dekada ang binilang bago pumutok ang mga pag-aalsa. Ilang taon na ba ang lumipas mula noong 1948 hanggang sa ngayon?

Isa nga sa mabuting idudulot nito kung sakali man ang North Korea ay magagaya sa mga bansa sa Gitnang Silangan, ay ang posibilidad na maging isa muli ang dalawang Korea, gaya ng nangyari noon. Napag-isa ng Shilla, ang Baekje at Goguryeo sa ilalim nila. May history repeats itself again this time.

Bawat pagtitiis ay may hangganan, walang permanente sa mundo. The only permanent thing in this world is change. Darating at darating din yan, sana.

Martes, Marso 1, 2011

MARCOS AT HITLER


Kilusang Bagong Lipunan, Nationalsozialistiche Deutsche Arbetei Partei, ano ang pangkaraniwan sa kanila? Ito nga ang mga partido politikal ng mga diktador na si Ferdinand Marcos, at Adolf Hitler.

Dahil nga sa galit ng mga Pilipino noon sa dating Pangulong Marcos, ay naikikukumpara siya sa sinasabi ng kasaysayan na Dakilang Diktador na si Adolf Hitler.

Kapantay nga ba ni Hitler si Marcos? May pagkakaiba ba sila? Ano nga ang parehong nangyari sa kanila?

Isa nga sa parehong nangyari sa kanila, ay kapuwa sila bumagsak. Ngunit balikan muna natin ang kanilang umpisa.

Nag-umpisa nga si Hitler, na nangangaral ng galit sa pagkatalo ng Alemanya sa mga Alyadong bansa, at sa mga komunista, na mahigpit nilang kalaban sa politika. Nag umpisa nga ang mga Nazi na pitong miyembro lamang, isa nga dito ay ang dating sundalo, na si Adolf Hitler, na di naglaon ay naging pinuno nito.

Gaya ni Hitler, si Marcos ay isa ring sundalo na lumaban noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isang magaling na politiko, at masasabi na isa sa pinakamagaling na pangulo ng Pilipinas. Bago nga tumakbo sa pagka-pangulo, siya ay nasa Partido Liberal. Si Pangulong Diosdado nga ay nagdadalawang isip noon, kung tatakbo pa uli sa pagka-pangulo. Nang tumakbo si Marcos ay lumipat siya sa Partido Nacionalista, na katunog ng partido ni Hitler na Nationalsozialistiche, o higit na kilala bilang Nazi Party. Tinalo niya nga ang Pangulong Diosdado Macapagal.

1933, tumakbo si Hitler bilang Pangulo ng Alemanya, nakalaban niya si Paul von Hindenburg, ang incumbent na pangulo ng mga panahong iyon. Natalo nga si Hitler sa halalan. Ngunit dahil sa pakikipag-usap ng mga kaalyado ni Hitler sa mga nasa pamahalaan, ay nagkaroon ng isang pangyayari. Biglang naging Chancellor ng Alemanya si Hitler.

Habang nasa puwesto si Hitler, ay pinasunog niya ang Reichstag ng Alemanya, sinisi niya ang mga komunista, naging dahil ng pagkatanggal ng kanilang representante sa gobyerno, pati na rin ng mga sosyalista. Nakontrol ng mga Nazi ang pamahalaan, ginawa nilang diktador si Hitler, Nang mamatay nga si Hindenburg noong Agosto 2, 1934 ay napag- isa ang kapangyarihan ng Presidente at Chancellor, lalo ngang lumakas si Hitler. Natamo niya ang titulong der Fuhrer

Kahawig naman ng pangyayari sa Pilipinas noong Setyembre 21, 1972, nang ideklara ni Marcos ang Batas Militar sa buong Pilipinas, sa pamamagitan ng Proclamation 1081. Ipinakulong niya lahat  ng kumakalaban sa sa gobyerno. Isa na nga dito si Benigno S. Aquino Jr., o mas kilala sa tawag na "Ninoy". Siya nga ang magiging tinik sa pamamahala ni Marcos. Its Ninoy vs. Macoy

Sa ilalim ng Batas Militar, nakita ang pagka-Hitler ni Marcos. Isa nga sa pinaniniwalaan ni Marcos ay ang pananaw ni Joseph Goebells, na propagandista ni Hitler na "Kasinungalingan, kung paulit-ulit mong sabihin na katotohanan, ay magiging katotohanan" something like that. Ito nga ng ginawa niya kay Ninoy paulit-ulit niyang sinabi na si Ninoy ay isang Komunista, upang sirain siya sa mga tao.

Kinuha rin nga ni Marcos ang ideya ng concentration camps, na naging tanyag ng ginamit ito ni Hitler sa mga kumakalaban sa kaniya, lalo na sa mga Hudyo. Bagaman hindi si Hitler ang umimbento nito. Naranasan nga nila Senador Ninoy at Senador Pepe Diokno ang mala concentration camp na kulungan sa Laur, Nueva Ecija, ang Fort Magsaysay.

Marami ngang nawalang tao sa panahon ng batas militar, at nalabag ang mga karapatang pantao. Si Hitler naman ay talamak ang pagpatay sa mga kaaway nila, lalo na sa mga Hudyo, ito nga ang Holocaust.

May isa ngang pangkaraniwang kaaway itong si Hitler at Marcos, ang Komunismo, Habang pinalalakas ni Hitler ang Nazi Party, ang mga komunista ang naging pinakamatindi nilang kaaway sa loob ng Alemanya. Lalo pa ngang lumaki ang galit ng mga komunista kay Hitler ng salakayin niya ang Soviet Union.
Ang mga komunista naman sa bansa ang sinasabi na isa sa mga dahilan sa pagkakadeklara ng batas militar sa Pilipinas. Ngunit ang katotohanan nito ay para lamang pahabain at patagalin sa puwesto si Marcos. Sinakyan niya lamang ang mga pangyayari noon. Sa halip na humina, ay lalong lumakas ang mga kilusang komunista sa bansa sa ilalim ng batas militar. Mula 300 ay lumago ito sa 24,000 NPA regulars. Ginapi naman ng Soviet Union ang Nazi Germany noong 1945, sa pamumuno ni Joseph Stalin.

Maihahambing naman ang Britain sa pamumuno ni Winston Churchill, kay Benigno S. Aquino Jr. . Pinahirapan ni Hitler ang Britanya, ngunit hindi niya tuluyang tinapos, gaya rin ni Ninoy. Pinahirapan siya ni Marcos, ngunit hindi siya natalo sa lahat ng paraan. Ang kamatayan pa nga ni Ninoy ang masasabi ko, na pinakamalaking tagumpay niya sa labanan nilang dalawa. Si Ninoy at ang Britanya ay nagsilbing tinik sa mga diktador na ito, at naging instrumento sa kanilang pagbagsak.

Ang pagkakaiba naman ni Hitler at Marcos. Si Hitler ay kaaway ng Estados Unidos, habang si Marcos ay kanilang kapanalig. Marahil ay para mapanatili ang mga base militar nila sa bansa noon. Ngunit di naglaon ay bintiwan din siya ng Estados Unidos, kaya't napuwersa siyang  magbitiw sa katungkulan bilang Pangulo noong Pebrero 25, 1986.

Bagaman parehong diktador, hindi pa rin masasabi na kasing-sama ni Hitler si Marcos. Ibig nga ni Fabian Ver, Chief of Staff ng AFP na i disperse ang noo'y People Power Revolution, ngunit ang bilin ni Macoy, "Disperse them, without shooting them". Ano kaya ang nangyari kung si Hitler ang Pangulo?

Si Hitler nga ay suportado ng Alemanya hanggang sa huli. Si Marcos naman ay inayawan ng mga Pilipino mula ng mapatay si Ninoy sa tarmac noong Agosto 21, 1983, na nagresulta sa People Power Revolution.

Sa kanilang mga huling araw nga sa kapangyarihan, si Hitler nang kaniyang kaarawan, Abril 20, 1945, ay lumabas at nagpakita sa huling pagkakataon. Binigyan niya ng parangal ang mga bata na lumalaban para sa kaniya at sa Alemanya. Maihahambing nga ito sa panunumpa ni Marcos bilang Pangulo noong Pebrero 25, 1986 sa Malacanang, ngunit biglang umalis din ng bansa pagkatapos noon. Both is a last bit of showmanship.

Isang aral nga sa mga diktador. Sa kasalukuyan nga ay may nagaganap na mga pag-aalsa sa Gitnang Silangan laban sa mga pamahalaang diktador. Isa nga sa mga napatalsik ay si Hosni Mubarak ng Egypt.Wala ngang diktador na nanatili, hindi nga natitiis ng tao ang authoritarianism at totalitarianism. Lahat nga sila, kung hindi man ay ang karamihan ay napunta sa pagkabagsak. Dalawa nga sa mga ito ay si Marcos at si Hitler.

Miyerkules, Pebrero 23, 2011

EDSA

February 25, 1986, tuluyang bumagsak ang rehimeng Marcos, na ang idinulot sa ating bansa ay pawang pasakit. Ngunit tila baga nawawalan ng halaga ang mga ipinaglaban at kinamatay ng ating bayani na si Ninoy Aquino.

Nakabalik na nga sa pamahalaan ang pamilya Marcos, at binabalak pa naipalibing sa libingan ng mga bayani ang dating diktador. Kung mangyayari nga ito, ay dapat ipagtayo na rin natin si Hitler ng bantayog sa Alemanya.

Hindi nga totoo ang claim ng Senador Bongbong Marcos, na parang Singapore na tayo ngayon kung nanatili ang kaniyang ama, bagkus ay magiging North Korea na ang Pilipinas, dahil sa paglaganap ng Komunismo noon sa bansa.

Ang mga puwersang nilabanan noon ay nagbalik na muli: mga pagpatay, kawalan ng hustisya, kahirapan, korapsyon, at pagsikil ng kalayaan sa pamamahayag, higit nga itong nasaksihan ng bansa nitong nakaraang administrasyon.

Buti na lang at nahalal ang anak ng mga bayani, na si Presidente Noynoy Aquino. Nawa ay tahakin niya talaga ang kaniyang sinasabi na tuwid na landas. Gaya din ng ginawa ng kaniyang ina, ay ayusin niya ang linya ng kaniyang mga kalihim, gaya ng ginawa ng kaniyang ina ay pagbayarin at singilin ang mga nagpahirap sa bansa, kumain ng kabang yaman ng bansa, gamit ang lahat ng kapangyarihang mayroon siya.


Lagi nawa sanang manatili sa atin ang diwa ng EDSA.